Open Letter
06 June 2010
TO: MF JOHNBULL
FM: MF PHANTOM
Dear MF JB,
Bago ko sagutin ang mga nilalaman ng Email mo sa mga Bro natin sa Saudi, Hayaan mong isa-isahin kong ipamukha sayo ang mga kasalanan mo magmula nang mag Acting Prime Minister ka.
1. Nakalimutan mo naba na sa harap ng napakaraming National Founders in attendance sa Mindanao Conference sa Ipil inamin mong nagkamali ka dahil sa EXPULSION na hindi dumaan sa tamang Proceso? Naalala mo rin ba na nagsorry ka at hindi mo na uulitin? Tinupad mo ba? Nag-issue ka pa rin ng Expulsion Order sa sister natin sa Spain na si Rexes? Isa ito sa dahilan kung bakit galit ang karamihan sa mga National Officers/National Founders. In fact in one of the General Assembly meetings ng Founding Chapter naka Agenda ito. Kaya ang advise ko gumawa sila ng proposal na ma amend ang Immunity Clause particularly Sec 1 Art XXI. Masakit pero totoong nangyayari! Wag lang sanang piringan ang mata ng lahat! Ganyan na ba tayo kasama?
2. Sa Baljoon, Cebu pinakita lang ni NF EMS ang Financial Report kay NF EDS Durban na ang sabi pa ay Deficit kaya hindi isinomete sa Finance Minister. Ano ba ang ibig sabihin nito? Pinakialaman mo ang pera ng GBI? Saan napunta ang annual dues, chartering, membership fee ng Luzon sa Official Depository Bank? Nagsubmit ka ba ng LIQUIDATION kung saan napunta ang perang yan? Palagay mo tama ka? Technical Malversation ang ginawa mo. Again, marami ang nagtanong kung bakit mo nagawa ito. Dahil ba hindi ka pwedeng kasuhan sa SEC 1, ART XXI?
3. Isa pang katanungan ang mga donations sa nakaraang typhoon. Wala kang binigay na detailed itemized summary kung magkano ang pera at ilang crates o boxes ba ang relief goods ang natanggap mo at kung sinu-sino ang nabigay ng tulong. Transparent dapat para hindi ka pagdudahan.
4. Ang existence International Regions ba legal in so far as the GBI Constitution and By Laws is concerned? Saang Provision ba ang nasabing By – Laws ang basis mo? Napakarami nila diba? Ikaw lang ang may contact sa kanila sa KSA, Qatar, Sapain at iba pa. Posted ba sa website and respective roster nila broken down by shapters? Kung nagbayad sila ng Chartering at Annual Dues which we know they paid at advance pa nga ang collections mo thru billing dapat lang posted otherwise inactive status sila alam mo yan. Legal ba yung billing mo? Finance Minister ka ba?
Kahit ilang beses mong ideny na utay utay yung perang pumasok sa personal account mo! Ilang beses mo mang tahitahiin ang kasinungalingan umamin ka na pumasok nga sa account mo at hindi sa official depository bank ng GBI thru the Finance Minister ay kasalanan pa rin yan. Admission of Guilt?
Katulad ng Luzon at Visayas na mga remittances, anong nangyari? Tama kaya na patuloy pa silang makapagrenew ng ID’s nila para patuloy silang nansa active status?
Kung inactive sila ibig sabihin forfeited lahat ng privileges nila including the right to vote during assemblies, conference at conventions at renewal ng ID’s.
Ang mga communications mo halos lahat walang date. Ano ito post dated or antedated purposely to hide and cover – up something? Kagaya nung notice na pinermahan nyo ni SMF, (On leave Prime Misister) na hindi dapat pumirma dahil illegal while on leave, nakaschedule ang special board meeting ng Board of Trustees, dated March 22, 2010, pero ang sabing meeting naka sechedule March 26, 2010. Ang masakit at masaklap dito sabay sabay mo pinadala ang notice of meeting at yung minutes na walang petsa thru LBC pero natanggap ko April 19, 2010(Xerox copy hereto attached) anong ibig sabihin nito? Paano ako maka attend? Sinadya ba ito para walang Check and balance?
5. Last Friday, June 4, nakipagmeeting si FDR PHILOS sa amin dito sa Iligan. Doon ko nalaman magkano ang perang ginastos niya sa Visayas Conference sa Baljoon.
Wala bang solicitations na kailangan pang si FDR PHILOS ang magshoulder ng napakalaking halaga? Ginawa mo siyang Provincial Founder yata sa Cebu kahit na member siya ng Founding Chapter. Sabi ko, okey lang yon kung makatulong sa ikabubuti ng GBI, anyway on loan ka lang. Wala na bang matitinong member dyan sa Cebu para mag Provincial Founder? For personal reasons? For convenience?
6. Bakit 1411 Globe Asiatic Tower I na ang Domicile na Ginagamit mo sa lahat ng official communications mo. Wala yan sa article I ng amended by Laws. Art II, National Seal pero iba na yata ang logo natin ngayon. May national seal nga pero dinagdagan mo ng Republic of the Philippines sa bandang kanan at may logo pang Lapu Lapu? Sino ba ang bumaboy sa By Laws kami o ikaw?
7. I have in my possession the text msg from SMF sent to Mac Urabang, ang bago mong DPM - Mindanao Forwareded to NF Joy of Kabasalan at ikinalat sa buong Ipil – Sibugay. Ang contents: “It’s a lie” dahil sinabi ni SMF na “ILLEGAL” ang proposed Mindanao Assembly/ Bakit kaya mo bang magraise ng Fifty thousand para gastusin sa assembly nayan? O baka gusto mo ikaw ang magpatawag ng conference dito para hindi “ILLEGAL” ngayon masasabi ko mali kayo! Si NF GALAXY, NF Malalang, NF Pat Alipuyo at pati yong “SPY” mo na si Triple 7 nagsabing “LEGAL”.
Pinapaattend pa si NF Offroad sa April 4 conf., pero sila wala, di umattend!
Hindi daw ako kasali sa major decisions dahil ‘I sided with the “HOSTILE” Group!” are we at war na may friendly at hostile group? Yong umalma “HOSTILE”? ang sumangayon “FRIENDLY”? Wrong choice of words!
Tama ba yon? “TWO VIRATE” na lang ba? Conjugal Property naba ninyo ni SMF anf GBI? No wonder ang bansag sa inyo ng karamihan “DIKTATOR” na.
8. May pinadala kang manifestation pirmado ninyo ni SMF, on leave Prime Minister (no date). While it is true dapat tayong magalit dahil ginamit nila ang GBI SEC Registration 123599.
Yung Mock Election ba sa Boljoon binding? The opinion of Legal Luminaries/Practicing Lawyers ay “NO” its not binding! Dahil ba napabalita na tumanggap sila ng One Million?
Lumapit kayo kay Binay. Hindi pinaalam sa akin. Nagissue kayo ng withdrawal of support dahil hindi nagbigay ng pang bank roll sa summit at plane ticket ninyo para sa Anniversary sa April 4, 2010?
Higher Heirarchy ba kamo? Kasali ba ako? Yan ba ang major decision na ayaw niyo akong isali dahil alam niyo di ako papayag na gawin yon dahil ako ang nagmungkahi na gagawa ng Implementing guidelines para walang lalapit sa politico sa 2010 Elections? Pina SCAN ko sayo ang pirma ko pero bakit nauna pa ang Withdrawal of Support kay Binay bago mo dinisiminate ang nasabing guidelines? Ano ang ibig sabihin? Cover up sa kapalpakan? “DO WHAT I TELL YOU, DON’T FOLLOW WHAT I DO?” Do you think our officers and members are happy with these moves? Bawal pumiyok, bawal questionin ang lahat ng decisions niyo? Relieve na agad? Are these people not entitled to their own opinions?
Is this not “GRAVE ABUSE OF DISCRETION”, Is this not Oppression and Suppression of their basic right to be heard? You are not yet “off the hook MF JB” you have a lot of explaining to do! You are questioning the wisdom and sanity of these relieved officers? Para ano pa ang guiding principles natin? Sa papel lang ba yan? “Practice what you preach and preach what you practice”! Pinagdudahan ka nila na hindi lang galing sa KSA, Qatar at Spain ang perang pumasok sa personal account mo! How true, I don’t really know! Napakatatag na sana ng GBI but then something somewhere, may mali! “MISDEEDS, LAPSES, WRONG DOINGS? May be & probably! Are we headed for “DOOM”? Why? Sinong may kagagawan nito? Surely hindi ako kasali dahil di na ako included sa major decisions. Salamat di galit sa akin ang members! Naawa pa nga!
EMAILS
a. Email Fdr Elmo Cabanlig to Mercury:
Anong kasinungalingan ba ang mga ito at kanino galling? Sino ang nagsisinungaling?
Ref:
b. Your Email to “ekis 2 Fdr”
“Puro mali ang pinaguusapan sa isang rebelled at isang aktibista” Sino ang rebelled dito. Sino ang aktibista? Libelous na ito! Paki elaborate para malaman ng lahat!
c. Your email to Allan Salazar
You talked of “KUDETA”? Bakit may hawak ba kaming “GALIL” sa gilid ng tangke de gierra? Hindi ka ba marunong gumamit ng mas civilized term na angkop? Like “PEOPLE POWER?’’
d. Sumali ba kami ng Kudeta ninyo? What was the motivation ninyo? Patriotism or money? Succesful ba ? Hindi lang si NF Offroad ang gustong magtake over na si SMF, majority ang gusto dahil sa mga expulsion orders mo na walang due process. Noon pa yon bago maglabasan ang isyu tungkol sa mga remittances na pumasok sa personal na bank account mo at bago pa kayo lumapit kay Binay.
Mere speculations yong gusto naming hawakan ang organization thru “KUDETA” hindi totoo yan! Alisin lang yung “Immunity Clause” na pinakamain issue ngayon para ma repeal yan at maging amendment sa National Conventions, Game Over na!
Kasinungalingan din na kakaunti ang nag attend at 40 lang ang pumirma. Ilang pirma ba ang kailangan sa resolution para sa proposed amendment? Di ba 25 lang? Nagbabasa ka ba ng By Laws? Why are you trying to twist and distort facts and real issues? Magpakatotoo ka!
For Your information more or less two hundred kami kokonti ang taga Iligan. Bakit hindi mo tanungin yung mga spies nyo?
Well funded yon. Thirty Five Thousand (35k) ang nasolicit excluding pledges.
PAMBABABOY? Ayaw nyo alisin ang Immunity Provision? Alam ng nakararami kung bakit di ninyo gagawin yan. May precedence na kasi. Yong Expulsion ni SMF in the hands of Atty. Laguindam, Col Duremdes, Col Bagay, Awel Gana, Dr PAciones et al. “INHERENT RIGHT” ang puno’t dulo.
Had it not been for the August 26, 2006 Special Assembly at Molave Hotel, Tagum City, and thru the effort of NF Offroad who drafted a new GBI CBL tuloy na yan. I don’t have to elaborate alam mo na yan. This time iba na ang ipinasok. Hindi na INHERENT RIGHT. IMMUNITY PROVISION embodied in Sec I ART XXI.
The same dog with another chain collar? Totoo nagtext ako kay Ems to disprove your claim na ‘ILLEGAL’ yong Conference according to you. “LEGAL PALA!”
e. Ang issue ng “DIRTY DOZEN” bakit mo naitanong kung sino ang nauna naging Guardians? Bakit mo nasabing 1985 kami natatakan? Mali yan, distorted na naman. Buhay pa si “Grand Master” Abraham! Pakitanong lang! Napakasinungaling mo! Incorporator ka, no question about that, pero pakilagay naman na “MARKER” kaya ka nasalis as incorporator.
Sino ka ba na magsabi na kung hindi dahil kay SMF walang “DirtyDozen”? At saan mo nalaman na 1979 December natatakan si SMF? Documented ba yan o hula mo lang yan? Nauna ang Dirty Dozen sa kanilang tatlo: “SMF”, “PATTON’’ AT “AMAZONA”, for the record paki tanong kay Abraham.
f. Posible na tatlo kayo ni Barorot at Abraham ng magtayo ng GBI. Bakit kasalanan ba namin? Pumirma ba kami ng “DISABANDMENT”? Hindi ah! Tama ka rin na nagtayo kayo ng GBI Head Quarters sa EM’s Quarters ng GHQ>
Alam mo ba kung nasaan si SMF nung ma televised yung abandonment Nov 14, 1984? Magkasama kami nag-inuman kasama si SGT Enerio ng Highway Patrol group ditto sa Iligan.
g. Hinamon mo si Mercury na umuwi? Bakit ikaw ba magbabayad sa sasahurin niya sa remaining balance ng contract niya? Hintayin mo magbakasyon yan. Hweteng? Hindi na yata tama, hindi factual yan. Hindi rin Hweteng, “THAILAND LOTTERY” dalawang beses ang draw sa isang buwan. Diskarte yan para additional income pero pinuhunan at hindi personal bank account kung saan papasok ang remittances ang ginagamit! Kabo ako noon sa Saudi I should know!
h. Balik tanaw tayo to refresh your mind. Year 2000 na register sa SEC ang PGBI. Halos lahat sumama, umalis sa GBI Si Abraham, SMF, PATTON. Ikaw nasaan ka? Sumali ka rin ba sa kanila? Be honest! Nagpaiwan ka ba sa GBI? Di ba Incorporators tayo?
Samantalang ako nasa Hawiyah Gas Plant ng Saudi, wala ako dito. Umuwi ako Sepetember 26, 2001 finished contract. Pati Founding Chapter, PGBI na rin sila lahat. Umatend ako sa 2nd Sunday na General Assembly meeting October 2001.
Pinahayag ko sa kanila na hindi ako sasali sa kanila, sa halip magtayo ako ng sariling GBI Chapter sa bahay ko sa Luinab, Iligan City. Di pa nakapagtake oath si August at si Axe, President at Vice President ng Chapter at ang sabi pagka take oath nila mag-usap kami ng masinsinan.
It was the Consensus of the group na babalik sa GBI ang chapter.
In case di mo alam, I drafted the manifesto which was handed over to “SGF RED KAPUNAN” during the PGBI National Convention at Tubod, Lanao del Norte.
What ensued was the assembly at RAAGAS BEACH RESORT, Cagayan de Oro City which was converted into a Provincial Assembly, followed by the scheduling of the First Mindanao Founders Summit held at Maguindanao Hotel.
Bakit ako papayag na “BABOYIN” ang By Laws ng GBI. Sino ba ang “BUMABOY” anyway? In my fourteen (14) years with the Police Twenty Six ang naging kaso ko, not one involved money, alam ni SMF yan. Hindi ako nasuspend not even once, Hindi ako nakulong!
Every organization will self destruct, disintegrate and eventually collapse pag ang issue ay tungkol sa pera. Managot ang dapat managot! Nakulong nga si “ERAP” ng “PLUNDER’’ na kung tutuusin Presidente ng Republika!
Alisin nyo lang yung “Immunity Clause” at gawan ng paraan na may provision kung saan maisama sa By – Laws ang existence ng International Regions mo kawawa naman sila nasa “LIMBO”. Ginawa mong “gatasan”.
Palagay ko in as much as their existence is not clearly defined in the CBL, ok yong mga billings mo at pagpasok ng mga remittances na kamo pautay utay sa personal account mo. Pero pure and simple “ADMISSION OF GUILT” ang pag-admit mo kahit pautay utay!
Lastly, pag-isipan ninyong mabuti ang nagawa na ninyo at wag nang gatongan ang issue, gawin sana natin ang tama. Wag tayong magsinungaling. Tinitingala tayo ng lahat ng members down to the lowest level. Nakakahiya na sa atin pa magsiumula ang problema! Anong klaseng leaders ba tayo? Oppressive to the point of suppressing the rights of members to air their views, comments, and opinions?
Dapat nagusap tayong tatlo hindi yong nirerendahan ninyo ako at ang mga National Officers and Founders under pain of relief? Maganda kaya yon? Masakit ang katotohanan pero kailangan to clear cobwebs of doubt na bumabalot sa GBI! I’m sorry, but not for writing this! But for telling the truth to rectify so everybody will know!
Alberto “MF Phantom” Tinoy, 1 – 12
Dirty Dozen
(Hindi Incorporator?)
1 comment:
pls answer MF JOHNBULL ROMEO on these latest Post...
Post a Comment